Bakit may (-/1 Point) ang score namin sa Microsoft Teams/Forms Quiz?


“Bakit (-/1 point) ang lumabas na score result sa Online Quiz namin? Eh Tama naman sagot ko doon?” 

 

 “Bakit 14/20 lang score ko? eh tatlo (3) lang naman mali ko?”

 

'yan ang tanong ng nakararaming estudyante kung bakit (-/1point) ang lumabas na score nila sa Microsoft Forms – Online Quiz nila.

Ang kasagutan ay Hindi nai-set or sadyang hindi ni-set ng Prof nila ang Correct Answer nito sa isang item number or question na iyon kaya automatic pa rin na walang puntos na mairerecord dito kahit tama pa ang sagot mo sa question na iyon o kaya may 1 point na nakalagay. (Tignan ang larawan sa baba)

 

Image 1. Ito ang Screenshot ng Forms/Quiz Editor na kung saan hindi nakaset ang Correct Answer sa isang Item Number or Question.

Image 2. Ito ang screenshot na kung saan makikita ang (-/1 point) dahil hindi naka-set ang Correct Answer ng Item Number na ito.

Image 3. Ito naman ang screenshot kapag naka-set na ang Correct Answer ng Item Number sa Quiz.

Image 4. Ito ang Screenshot ng results na may 1 Point na ang score nito dahil naka set ang Correct Answer sa Item Number na ito.

 


Previous Post Next Post